Halos araw araw kami ay nagkikita .
Simula nung akoy tatlong taon kami magkasama.
Siya ang naging gabay sa aking paglaki.
Siya ang nagturo ng tama at mali .
Pag gising sa umaga maghahanda na upang ikay makita.
May dalang isang balot ng kanin at nilagang saging.
Aking lalakarin mga batuhan at putik.
Aking lalakarin mga batuhan at putik.
Tatawirin ilog mang malalim.
Bundok ay aakyatin kahit matarik.
Marating ka lang hirap ay mawawaksi .
Abakada aking nalaman.
Espeling ng Pilipinas aking natutunan.
Natutong bumasa, bumigkas at sumulat.
Mga Pinuno at Bayani dahil sayo ay nakilala.
Sa bawat pagsusulit aking kaalaman nasusubukan.
Dahil sayo akoy mas naging matatag.
At alam kong bawat pagsubok ay kayang lampasan.
Sa mga aral na aking natutunan.
Alam kong magiging sandata sa mga pagsubok ng buhay,
Magiging daan sa bawat pangarap .
Sa aking paglisan handog ko ay buong pusong pasasalamat.
Aking Eskwelahan dahil sayo pangarap ay matutupad .....
Naway inyong mabasa ..
TumugonBurahinhehehe.. yun ohh
TumugonBurahinpa comment din po ((:
nice pic..:)
TumugonBurahinwow ah.. Ang bait na estudyante :D
TumugonBurahinTOTOO ba yan NENG????
nice pic..:)
TumugonBurahin